Pagbaba sa P70 kada kilo ng presyo ng asukal, tinawag na “unfair” ng mga maliliit na supermarket

Tinawag na “unfair” ng mga maliliit na supermarket ang apela ng gobyerno na ibaba ang presyo ng asukal sa P70 kada kilo.

Ayon kay Philippine Amalgamated Supermarkets Association, Inc. (PAGASA) President Steven Cua, ang pagbaba ng presyo sa P70 ay nangangahulugan ng malaking pagkalugi na hindi nila kayang bayaran.

Aniya, kakayanin ng mga malalaking supermarket ang pagkalugi dahil mayroon silang kapangyarihan sa mga supplier at maaari nilang hilingin pabalik sa gobyerno ang pabor na kanilang ginagawa.


Kasabay nito, umaapela ang PAGASA sa gobyerno na makipag-usap sa mga sugar trader na bigyan ang mga maliliit na supermarket ng washed sugar sa halagang P68 kada kilo para P2 lang ang kanilang ipapatong sa presyo nito.

Facebook Comments