PAGBABA SA PLENARYO NG PAG-APRUBA NG ANNUAL BUDGET, NAGING MAINIT ANG DISKUSYON SA SANGGUNIANG PANLUNGSOD NG DAGUPAN

Naging mainit ang diskusyon sa naganap na regular session ngayong araw ng Martes, July 4 sa Sangguniang Panlungsod kaugnay sa pag-apruba ng annual budget para sa taong 2023 ng lungsod ng Dagupan.
Noong nakaraang regular session, June 27 ay napagdesisyunan n mula sa committee level ay ibababa na sa plenaryo ang usapin ukol dito upang malaman ng lahat, maging ang mga inimbitang mga bisita na makita ang usad ng pag-apruba nito.
Isa sa naging sentro ng talakayan ay ang pag-alis ng Draft Ordinance 0-835 na ukol sa pag-apruba ng nasabing budget ng lungsod. Sinang-ayunan naman ito ng mga konsehal mula sa Majority Block habang patuloy ang naging pagtutol ng Minority Block.

Saad ng Majority na natapos na umano noong Marso ang iginigiit ng Minorya at dagdag pa nila ay sa ksalukuyan umanong nag-ooperate ang lungsod sa reenacted budget na nasa higit 1.3B ang halaga. Nabanggit din ng mga ito ang naging desisyon ng Presiding Officer na si VM Bryan Kua ang pagdeny sa pending motion ni Coun. Reyna na hindi umano nararapat na gawin ani ni Councilor Acosta.
Bunsod ito umano ng motion ng Minorya na bigyan naman ng pagkakataong makapag salita at makapagbigay ng legal advice ang City Legal Officer na si Dra. Valle. Iginiit ang pagtutol sa kadahilanang bakit pa ulit umano aalisin sa agenda ang DO 0-835 at muling iminungkahi ni Coun. Michael ang ayon sa Local Government Code na walang ibang pag-uusapan umano kung hindi ang pag-apruba lamang ng annual budget.
Dagdag pa ng Minorya na matagal na ring pinag-uusapan umano ang pag-apruba ng annual budget para sa lungsod sa committee level.
Samantala, nagpapatuloy ang pagtalakay sa ilang mga ordinansa at mga hakbanging kinakailangan upang makamit ang pagsasakatuparan ng mga ito. |ifmnews
Facebook Comments