Pagbaba sa rating, ‘wake-up call’ kay Pangulong Duterte at sa PNP – Senator Bam Aquino

238

Manila, Philippines – Ang pagbagsak sa approval at trust rating ay dapat maging wakeup call kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa Philippine National Police o PNP.

Pahayag ito ni Opposition Senator Bam Aquino makaraang bumaba ang trust at approval rating ng Pangulo base sa pinakahuling survey ng Social Weather Station.


Giit ni Senator Bam, dapat pag-aralan na ngayon ng PNP ang istratehiya nito sa giyera kontra droga at ang solusyunan sa mga nangyayaring pagpatay sa mga komunidad.

Naniniwala din si Senator Bam na ang imbestigasyon sa mga pagpatay, kabilang na ang mga kabataang sina Kian Delos Santos, Carl Arnaiz at Reynaldo De Guzman, ay nakaapekto sa survey rating ng Pangulo.

Binanggit din ni Senator Aquino ng resulta ng isa pang SWS survey na magsasabing pito sa bawat sampung Pilipino ang natatakot na maging collateral damage ng war on drugs o biktima ng extrajudicial killing.

Facebook Comments