Pagbababawal sa lahat ng uri ng paputok, muling iginiit ng DOH

Nais ng Department of Health (DOH) na ipagtupad ang pagbabawal sa lahat ng uri ng paputok.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, ito nakikita nilang solusyon para walang masugatan sa pagsalubong ng bagong taon.

Iginiit din ni Duque, legal o ilegal man ang paputok, iginiit ng kalihim na maaari pa rin itong makadisgrasya.


Sa huling tala ng kagawaran, umabot sa 164 ang bilang ng nasugatan mula December 21, 2019 hanggang January 1, 2020.

Mas mababa ito ng 35 porsyento kumpara sa kaparehong petsa noong nakaraang taon.

Facebook Comments