Sa pagtatapos ng taong 2025, narito ang mga New Years Resolution ng mga Idol natin para sa panibagong taong 2026.
Karamihan sa mga nakausap ng IFM News Dagupan ang nagpahayag ng hangaring ayusin ang sarili—lalo na ang pagwawasto sa mga ugaling nais iwanan sa nagdaang taon—bilang hakbang tungo sa mas maayos na pamumuhay.
Bukod sa personal na pagbabago, may ilan ding nagpahayag ng kani-kanilang kahilingan. Tulad ng buko juice vendor na ito na umaasang madagdagan ang kanyang puhunan upang mas mapalawak ang kabuhayan sa susunod na taon.
Mayroon din namang humiling ng maayos at tapat na pamamahala sa bansa sa darating na taon, lalo na sa gitna ng mga isyung kinaharap ng pamahalaan nitong 2025.
Ayon naman sa isang psychologist at isang religious expert, ang paggawa ng napakaraming New Year’s Resolution ay maaaring magdulot ng hirap sa pagtupad nito, dahil sa dami ng pagbabagong nais isagawa nang sabay-sabay
Dagdag pa rito, mahalaga ang pagtitiwala at pagsunod sa Panginoon, sapagkat ito umano ang magbibigay-gabay at pagpapala sa buhay ng bawat isa.
Sa pagpasok ng panibagong taon, paalala ng mga eksperto na ang bawat hakbang ay may kaakibat na resulta. Nasa tao pa rin ang paggawa ng pagbabago, subalit higit na nagiging makabuluhan ito kapag iniaayon sa pananampalataya at paggawa ng mabuti. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










