Pagbabago ng araw ng quarantine sa mga Pilipinong manggagaling sa ibang bansa, inilabas ng IATF

Inanunsyo na rin ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagbabago sa araw ng quarantine ng mga fully vaccinated na Pilipinong galing sa ibang bansa na nasa green list category.

Ayon sa IATF, maaari nang magpa-RT-PCR test ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa loob ng 72 oras bago ang flight.

At kapag lumabas na negatibo ang resulta, maaari nang hindi sumailalim sa facility-based quarantine at mag-monitor na lamang ng sintomas sa loob ng 14 na araw.


Kasabay nito, kung hindi naman nakapag-RT PCR Test bago ang flight ay maaari namang magpa-test sa isang quarantine facility pagdating sa Pilipinas at naka-quarantine lamang hanggang lumabas ang negatibong resulta.

Facebook Comments