Nanawagan si Alliance of Concerned Teachers (Act-Teachers) Partylist Representative France Castro na hindi na dapat dumagdag sa grading system ng mga mag-aaral sa ilalim ng new normal set-up ang attendance at recitation.Kasunod ito ng anunsiyo ng Department of Education (DepEd) ng pagbubukas ng klase sa ika-24 ng Agosto kung saan maaaring pumasok sa paaralan ang mga estudyante o mag-lesson online.
Ayon kay Castro, kaunting mag-aaral lang ang makakasali sa attendance at recitation dahil hindi lahat ay may mabilis na internet connection at laptop.
Dapat din aniyang baguhin ng mga guro ang grading recitation dahil output based ang dapat tignan ng mga ito na nakabase pa sa access sa internet.
Kasabay nito, isang resolusyon ang inihain ni Senate Committee on Education Chairman Senator Sherwin Gatchalian na layong imbestigahan ang magiging transisyon ng edukasyon sa Pilipinas dulot ng COVID-19 pandemic.
Kailangan kasi aniya ito para sa higit 28 milyong estudyante na mabibigyan ng dekalidad na edukasyon sa panahon ng krisis at sakuna.
Dapat din aniyang mapaghandaan ang shifting ng education platforms tulad ng online tools, printed materials, at radio and television based instructions sa mga natitirang buwan para sa pagbubukas ng klase sa Agosto.
Pagbabago ng grading system ng mga mag-aaral sa ilalim ng news normal set-up, ipinanawagan ng isang grupo
Facebook Comments