Thursday, January 15, 2026

Pagbabago ng liderato sa Kamara at Senado, tinawag na “reboot” ng ilang senador

Tinawag ni Senator JV Ejercito na “reboot” ang nangyaring pagpapalit sa liderato ng Kamara.

Ngayong hapon ay bumaba sa kanyang pwesto si Leyte Cong. Martin Romualdez at pinalitan na ni Isabela Congressman at bagong House Speaker Faustino “Bojie” Dy III.

Ayon kay Ejercito, kailangan na talaga ng reboot sa parehong Senado at Kamara at umaasa siyang makakatulong at makabubuti ang naging pagpapalit ng liderato.

Ngayon aniya na parehong nagpalit ng mga lider ang dalawang kapulungan ng Kongreso at maituturing itong “fresh start” o bagong simula para sa Senado at Kamara.

Samantala, nagpa-abot naman ng pagbati si Senator Chiz Escudero sa bagong Speaker at tiwala siyang magagamit ni Dy ang karanasan at matatag na pamumuno para gabayan ang Kamara sa gitna ng mga kritikal na isyung kinakaharap ng bansa.

Gayunpaman, iginiit ng senador na hindi dapat maging dahilan ang transition ng pamumuno upang malimutan ang mga isyu hinggil sa mga nakaraang budget at anomalya sa mga proyektong pang-imprastruktura.

Facebook Comments