Pagbabago ng oras ng mga mall, pagpupulungan na ng MMDA at mga mall operator

55

Makikipagpulong ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga mall operator para sa pagbabago ng mall hours.

Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, layon nitong maiwasan ang pagbigat ng daloy ng trapiko bunsod ng holiday rush kung saan inaasahang marami ang magpupunta sa mga mall.

Aniya, pakikiusapan din nila ang mga mall operator na gawin na lang sa gabi ang kanilang mgadelivery.


Maliban dito, sinabi rin ni Abalos na pakikiusapan nila ang mga mall owner na ipagbawal ang weekday sale simula sa Nobyembre hanggang Enero.

Una nang isinailalaim ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa Alert Level 3 ang National Capital Region (NCR) nitong October 16 hanggang October 31, 2021.

Facebook Comments