Pagbabago o pagbuwag sa SRA, iminungkahi ni Congressman Joey Salceda

Iginiit ni House Committee on Ways and Means Chairman at Albay Representative Joey Salceda na tuluyang buwagin o kaya ay baguhin ang kasalukuyang porma ng Sugar Regulatory Administration (SRA).

Para kay Salceda, isang “failed agency” ang SRA at hindi naging epektibo sa mandato nito na paunlarin ang lokal na industriya ng asukal.

Napuna rin ni Salceda na ang mababang “utilization rate” ng SRA o paggamit sa pondo ng sugarcane Industry Development Act at Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law.


Kasama rin sa mungkahi ni Salceda ang pagbuo ng isang mas teknikal na lupon na pamumunuan ng Department of Agriculture (DA) na siyang magpapasya kung kailangang mag-angkat ng asukal at kung magkano.

Sabi ni Salceda, maaaring miyembro ng naturang lupon ang mga planter, millers, industrial users, consumer group, at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para sa inflation targeting at National Economic and Development Authority (NEDA) para sa epekto sa ekonomiya.

Inirerekomenda rin ni Salceda na ang mga programa sa industriya ng asukal ay gawing “streamlined” sa loob ng DA at dapat i-ayon sa pangkalahatang direksyon ni Pangulong Bongbong Marcos para masuportahan ang sektor ng agrikultura.

Facebook Comments