Pagbabago sa bansa, makikita na sa Disyembre ayon kay Pangulong Duterte

357

Manila, Philippines – Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na makikita na ng taumbayan ang magandang pagbabago sa bansa bago matapos ang 2017.

Ayon kay Pangulong Duterte, maraming negosyo na ang papasok sa ating bansa at tiyak na papasok na ang China sa paglalagak ng maraming investments sa Pilipinas kaya hintayin nalang aniya ang mga magagandang pagbabago na dulot ng mga papasok na negosyo.

Sinabi ng Pangulo na maraming makikitang pagbabago sa Disyembre pero ang inaalala lang aniya niya ay ang Abu-Sayyaf pero hindi naman aniya ito malaking problema sa ngayon.

Patuloy din aniya ang pakikipagusap ng kanyang Administrasyon sa mga komunista, MILF at MNLF upang matiyak na magkakaroon kapayapaan sa bansa na magiging malaking dahilan ng pagpasok ng maraming negosyo sa bansa.

DZXL558

Facebook Comments