Iminungkahi ng isang maritime expert na baguhin ang ilang protocols ng militar sa pagbabalita ng mga mahahalagang maritime incindents habang sila ay nagpapatrolya.
Sinabi ito ni UP Director of the Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea at maritime expert Professor Jay Batongbacal sa panayam ng RMN Manila kaugnay sa patuloy na pambubully ng mga chinese vessel sa mga barko ng Pilipinas habang ito ay nasa ating teritoryo.
Matatandaang iniulat ng Philippine Coast Guard ang insidente ng close distance maneuvering ng isang chinese vessel na may bow number na 3305 sa BRP Malabrigo habang nagpapatrolya ito sa bisinidad ng Bajo de Masinloc o Panatag Shoal noong March 2.
Ayon kay Batongbacal, dapat mapabilis ang pagtransmit ng mga kahalintulad na insidente upang ito ay maaksyunan kaagad at ipaalam sa mundo ang mga ganitong pangyayari.
Ngunit sa kabuuan, sinabi nito na nakadepende pa rin ito sa direktiba ng mga nasa taas.