Irerekomenda ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla ang pagpapatupad ng structural changes sa Philippine National Police (PNP).
Ito ang prayoridad ni Remulla kasunod ng pagkakatalaga niya bilang DILG Chief ngayong araw.
Sa ambush interview sa kalihim sa Villamor Airbase, sinabi nitong inatasan siya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magrekomenda sa pagbabago ng istraktura sa PNP para mas lalong maging isang epektibong institusyon.
Bukod dito, pinare-review rin daw sa kaniya ng pangulo ang structure at personnel sa NAPOLCOM, para masigurong nagtatrabaho ito ng neutral at matugunan ang concern ng puwersa ng pulisya.
Pangatlo sa bilin ng pangulo kay Remulla, ay ang tiyakin ang kaligtasan ng mga tatakbong kandidato sa midterm election sa 2025.