Pagbabago sa konstitusyon, malamang na makalusot dahil sa bagong mandato na nakuha ni Pangulong Duterte ayon sa isang political analyst

Asahan na umano na maipapasa ang pagbabago sa konstitusyon sa loob ng labinglimang buwan ng speakership ni Congressman Allan Peter Cayetano.

 

Sa isang pulong balitaan, sinabi ng political analyst  na si Ramon Casiple na taglay na ng pangulo ang mga bagong kapital pampulitika para tuparin ang kaniyang pangako noon sa panahon ng pangangampanya.

 

Aniya, nanatiling mataas ang  satisfaction rating ng pangulo at may matibay na supermajority sa Kamara at Senado.


 

Ipinakita aniya ng 12-0 sweep sa katatapos na midterm elections ang malawak na mandato ng Chief execitive.

 

Aniya, sa ngayon ay wala ring malakas na oposisyon sa isinusulong na pagbabago ng anyo ng gobyerno mula presidential patungong Federalismo.

 

Sa pagiikot niya sa probinsya, malinaw na ang saloobin ng publiko ay magkaroon ng bukas o transparency sa mga probishong babaguhin sa konstitusyon.

Facebook Comments