Inalmahan ni Liberal Party President at Albay 1st District Representative Edcel Lagman ang pasya ng Malacañang gawing August 23 ang August 21 na paggunita sa pagkamatay ni dating Senator Ninoy Aquino.
Katwiran ni Lagman, ang pagpanaw ni Aquino ay dapat gunitain sa araw na pinaslang ito.
Paliwanag ni Lagman, walang holiday economics or domestic tourism boost ang makakapantay sa kabayanihian ni Ninoy.
Para kay Lagman, hindi dapat binabago ang petsa ng national memorials dahil napapababa nito ang kahalagahan ng nabanggit na mga importanteng kaganapan sa ating kasaysayan.
Iginiit pa ni Lagman na labag sa Republic Act No. 9492 ang pagbabago sa Ninoy Aquino Day dahil bigo si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na ideklara ito anim na buwan bago ang August 21.