“Walang pilitan.”
Ito ang tugon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa kabila ng banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipaaaresto at ipakukulong ang sinumang hindi magpapabakuna.
Sa interview ng RMN Manila, nilinaw ni DILG Usec. Epimaco Densing III na “very protective” lamang ang Pangulo dahil ayaw nito na magkasakit ang mga Pilipino.
Aniya, walang batas o ordinansa na nagmamandatong gawing sapilitan ang pagpapabakuna.
Kaugnay nito, wala aniyang mangyayaring pangangatok sa mga bahay ng ayaw magpaturok ng bakuna kontra COVID-19.
Giit naman ni National Union of People’s Lawyers (NUPL) President Atty. Edre Olalia, sa halip na manakot o magbanta, mas mainam kung magbigay na lamang ng insentibo o sapat na edukasyon sa publiko hinggil sa benepisyo ng pagbabakuna.