Hindi tantanan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga pasaway na kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, aaraw-arawin ng COMELEC ang pagbabaklas ng mga iligal na campaign materials, kahit araw-araw pa silang magkabit ng mga sa mga ipinagbabawal lugar.
Sa isinagawang Oplan Baklas kaninang tanghali sa lungsod ng Maynila, tumambad sa COMELEC ang posters na nakakakabit sa mga kawad ng kuryente at nakadikit sa poste ng Meralco.
Binaklas din ng COMELEC ang mga mala-banderitas na posters na nasa sa ilalim ng LRT stations.
Sabi ni Garcia, ipinagbabawal ito ng poll body dahil ito ay pampublikong lugar.
Gayunpaman, hindi naman nila aniya gagalawin ang mga poster na nasa pribadong lugar kung ito ay pinapayagan ng may-ari.
Ang mga nabaklas na posters ngayong araw ay gagamiting ebidensya ng COMELEC laban sa mga pasaway na kandidato.
Muli namang panawagan ng poll body na huwag sanang kabitan ng mga posters ang mga poste at kawad ng kuryente.