Pagbabakuna gamit ang Sputnik V vaccine, sinimulan na sa Parañaque

Umarangkada na ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa lungsod ng Parañaque gamit ang Sputnik V mula sa Russia.

Pinangunahan ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr., ang pagsisimula ng vaccination sa Ayala Malls By the Bay.

3,000 doses ang ipinamahagi ng national government sa lungsod pero 2,000 indibidwal ang target na bakunahan ngayong araw.


Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, ang natitirang doses ay gagawing “per schedule” upang hindi magsiksikan ang mga residente sa vaccination site.

Batay aniya sa guidelines ng Department of Health (DOH) ay uubusin ang initial supply para sa first dose dahil may paparating pa galing sa Russia.

Kabilang sa mga babakunahan gamit ang Sputnik V ay health workers, senior citizens at persons with comorbidity.

Facebook Comments