Bumababa na ang bilang ng mga naitatalang bagong kaso ng COVID 19 sa hanay ng Philippine National Police.
Ayon kay PNP Chief Police Gen. Guillermo Eleazar, kahapon nakapagtala lamang sila ng 45 bagong kaso kaya umabot na sa 29,476 ang kabuuang bilang ng mga naging infected ng virus, sa bilang na ito 1,192 ang aktibong kaso
Habang patuloy rin ang pagtaas ng bilang ng mga gumagaling sa sakit kung saan kahapon may 103 na bagong gumaling dahilan para umakyat sa 28,205 total recoveries sa PNP.
Binigyang diin naman ni PNP chief na malaki ang naitulong sa kanila ng pagbabakuna kontra COVID-19 dahil dumarami na ang bilang ng mga protektado matapos silang makatanggap ng kanilang bakuna.
Batay sa datos ng PNP, nasa mahigit 31 porsyento na ng kanilang hanay o katumbas ng 68,372 ang nakatanggap na ng unang dose ng bakuna habang nasa 22,938 naman ang fully vaccinated na.