PAGBABAKUNA KONTRA COVID-19 SA DAGUPAN CITY NAANTALA DAHIL SA KAWALAN NG SUPLAY

Naantala pansamantala ang pagbabakuna kontra Covid-19 sa lungsod ng Dagupan sa kadahilanang wala nang suplay ng bakuna para sa 1st dosage.

Ayon sa city health office ng lungsod, bigo umano nilang makamit ang kanilang target na 400 indibidwal na mabakunahan kada araw dahil na rin sa limitadong suplay.

Dagdag pa ng nasabing tanggapan, ang suplay na meron ang lungsod ngayon ay para sa mga matuturukan ng 2nd dose ng bakuna.


Samantala, kahit na naantala ang pagbabakuna, nangunguna pa rin ang lungsod sa buong Region 1 na may pinakamaraming nabakunahan.

Facebook Comments