Pagbabakuna Kontra COVID-19 sa Isabela, Bumilis

Cauayan City, Isabela- Bumilis na ang usad ng pagbabakuna kontra COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Dr. Arlene Lazaro, Assistant Provincial Health Officer at COVID-19 Vaccination Program Operation Center Chairperson, nasa 62.95% na mula sa 70% na target Population ang nabakunahan na sa probinsya dahil na rin aniya sa tuloy-tuloy nilang pagbabakuna.

Kanyang sinabi na walang tigil ang mga vaccinators ngayon katuwang ang PNP, Philippine Army at DepEd para lamang mabakunahan sa lalong madaling panahon ang 70% target population at nang makamit ang herd immunity sa probinsya.


Mabilis din aniya ang pag-arangkada ng vaccination drive sa probinsya dahil wala namang nagiging problema sa supply at pagdedeliber ng mga COVID-19 vaccines sa mga malalayong lugar gaya sa mga coastal towns ng probinsya.

Hinihikayat naman ni Dr. Lazaro ang mga Isabelinong hindi pa nababakunahan kontra COVID-19 na magtungo na sa LGU o sa mga vaccination area at magpabakuna para magkaroon na ng proteksyon sa sarili.

Gayunman, nagpaalala pa rin si Dr. Lazaro na kahit bakunado na ay sumunod pa rin sa minimum health standards.

Facebook Comments