AGOO, LA UNION – Pinilahan ng 550 na estudyante sa kolehiyo ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa Don Mariano Marcos Memorial State University sa probinsiya ng La Union.
Bahagi ito ng school-based vaccination program na inilunsad para sa paghahanda sa nakatakdang face-to-face classes.
Ayon kay Rogelio T. Galera, Commission on Higher Education (CHED) Regional Director, kabilang sa mga unang dapat na mabakunahan ay ang health, hotel and restaurant management, engineering, tourism, industrial technology at maritime na siyang inaasahang mauunang papasok sa face-to-face classes.
Aniya, ang lahat ng kurso ay gagawin nang face-to-face kung magtutuloy-tuloy amg pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa Region 1 at mapadami pa ang bilang ng mababakunahan kontra COVId-19.
Kabilang ang lalawigan sa mga kauna-unahang nagbakuna ng mga tertiary level students sa bansa. ###