Pagbabakuna kontra COVID-19 sa Taguig City, binuksan na para sa lahat ng kanilang residente na edad 18 anyos pataas

Inihayag ngayon ng Taguig City government na maaari nang magpabakuna ang sinuman kahit hindi bahagi ng A1 hanggang A5 priority sector o health workers, senior citizen, may comorbidity, essential workers at indigent population makaraang buksan na ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa Taguig para sa lahat ng residente ng lungsod na edad 18 pataas.

Base sa abiso ng Taguig Registry for Access and Citizen Engagement (TRACE), ang sinuman na nais magpabakuna na residente ng Taguig ay maaaring na magparehistro at kumuha ng vaccination schedule online sa pamamagitan ng trace.taguig.gov.ph o kaya naman ng TRACE kiosk sa mga barangay hall.

Sa datos ng City Health Office ng Taguig, 648,258 na indibidwal o 74 percent na ng kabuuang populasyon ng lungsod ang bakunado na laban sa COVID-19.


Paliwanag ng City Health Office na sa naturang bilang 590,921 dito o katumbas ng 68 percent ng kabuuang populasyon ng Taguig City ang fully vaccinated.

Facebook Comments