Pagbabakuna kontra tigdas sa Maynila, tatapusin bago dumating ang COVID-19 vaccines

Target na matapos ng Manila City Health Department ang vaccination drive nito laban sa tigdas bago dumating sa Pilipinas ang bakuna kontra COVID-19.

Sinabi ni Manila City Health Officer Dr. Arnold Pangan na kukumpletuhin nila ang pagbabakuna laban sa tigdas upang makapag-focus ang kanilang mga personnel sa pag-aasikaso sa mga aktbidad sa pagdating ng COVID-19 vaccines.

Sa ngayon, aabot na sa 38,603 ang mga batang nabakunahan laban sa tigdas mula edad siyam na buwan hanggang 59 na buwang gulang.


Katumbas aniya ito ng 27.10% mula sa kanilang tinatarget na kabuuang 146,000 na mga bata sa kalagitnaan ng Pebrero.

Facebook Comments