Pinabibilisan ni Senator Risa Hontiveros sa gobyerno ang pagbabakuna sa mga Pilipino laban sa COVID-19 dahil sa banta ng mas nakakahawang Delta variant na base sa report ay mayroon ng 17 kaso sa bansa.
Tinukoy ni Hontiveros ang sinabi ng mga mga eksperto na kahit pinakanakakahawa ang Delta variant ay mataas ang proteksyon laban dito ng mga taong kumpleto o nakatanggap na ng dalawang doses ng bakuna.
Dahil dito ay iminumungkahi ni Hontiveros na mag-mass hiring na ng mga vaccinator, magbukas ng mas maraming time slots, at patuloy na itaas ang vaccine confidence sa grassroots.
Hinahanapan din ni Hontiveros ang Department of Health (DOH) ng plano para sa healthcare workers na naturukan ng Sinovac dahil kung tatamaan sila ng COVID-19 ay hindi na kakayanin ng ating healthcare system ang dagdag pang dagok.
Sinabi ito Hontiveros kasunod ng report na maraming mga healthcare woker na binakunahan ng Sinovac sa Indonesia ang nahawa pa rin ng COVID-19 Delta variant.