PAGBABAKUNA LABAN SA COVID-19 SA MGA KOLEHIYO SA PANGASINAN, SINIMULAN NA

LINGAYEN, PANGASINAN – Sinimulan na ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga estudyante sa kolehiyo dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Apat-naraang estudyante ang pumila sa isinagawang massive advocacy campaign and ceremonial vaccination sa tertiary students sa Pangasinan Training and Development Center, bayan ng Lingayen.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Anna Ma. Teresa De Guzman, taos puso umano ang suporta ng Provincial Government sa adhikain ng Commission on Higher Education (CHEd) na maturukan ng bakuna ang mga estudyanteng nasa tertiary level na.


Parte ito ng paghahanda para sa limited face-to-face classes at mga internship sa susunod na taong pampaaralan kung saan pitong college schools sa Pangasinan ang naimbitahan na kinabibilangan ng Saint Columban’s College, Adelphi College Inc., Pangasinan State University, Mystical Rose College of Science and Technology, Colegio De Dagupan, Philippine Science and Technology, at Kingfisher School of Business and Finance.

Target na mabakunahan ng PHO ay nasa 1,000 estudyante kada araw sa probinsiya.
Muli namang hinikayat ang mga estudyante na magpabakuna upang magkaroon ng proteksyon sa laban sa COVID-19.###

Facebook Comments