Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na magpabakuna laban sa COVID-19 sa lalong madaling panahon lalo na at banta pa rin ang mga bagong variants sa pagbangon ng mundo mula sa pandemya.
Sa kanyang public address, ikinalugod ni Pangulong Duterte na nasa higit tatlong milyong Pilipino na ang nabakunahan, pero hinikayat na rin niya ang iba pa na magpabakuna.
Sinabi ng pangulo na ang mga bagong variant tulad ng Delta at Lambda ay mahigpit na binabantayan ng pamahalaan para hindi ito makapagdulot ng local transmission.
“Having said that, our best defense is still to be vaccinated as soon as possible,” sabi ni Pangulong Duterte.
Paalala rin ni Pangulong Duterte sa lahat na sundin pa rin ang health regulations.
“The life you’ll be saving is not only your own but that of your loved ones and the people around you,” sabi ng pangulo.
“I also appeal to our countrymen to continue observing health protocols so that we can prevent and avoid the spread of COVID-19,” dagdag pa ni Pangulong Duterte.
Malugod ding tinatanggap ni Pangulong Duterte ang mga COVID-19 vaccines na dumatinfg sa bansa, kabilang ang 1 million AstraZeneca vaccines na donasyon ng Japan, at 2 million doses mula sa COVAX Facility.