Inihayag ni Presidential Adviser for COVID-19 Response Vince Dizon na nasa magandang kalagayan pa rin ang bansa dahil sa mga bakuna sa kabila ng pagtaas ng kaso COVID-19 at banta ng Omicron variant.
Ayon kay Dizon, hindi na katulad ng dati ang sitwasyon ng bansa kung saan napakabilis mapuno ng mga ospital at sumasabog ang healthcare system.
Aniya, hindi dapat ito ihalintulad sa mga naunang surge na naranasan ng bansa dahil marami na ang bakunado at karamihan sa mga tinatamaan ng virus ay mild at asymptomatic lamang.
Dagdag pa ni Dizon na dapat ding tutukan ang pagbabakuna sa mga lugar na hindi pa nakakapagturok ng first dose vaccine.
Samantala, sinabi naman ni COVID-19 Task Force Medical Adviser Dr. Teddy Herbosa na bumabagal ang vaccination rate sa bansa dahil sa COVID-19 surge.