Ipinagpatuloy na ng Muntinlupa City ang pagtuturok ng first dose gamit ang AstraZeneca vaccines.
Ito ay matapos na dumating na ang supply ng mga bakuna sa nasabing lungsod.
Sa ngayon, nasa pangangalaga na ng City Health Office ang 22,780 doses ng AstraZeneca vaccine.
Samantala, nagpapatuloy naman ang pagtuturok ng 2nd dose ng bakuna ng Pfizer sa Muntinlupa City.
Nilinaw naman ng city government na bawal pa rin ang walk-in at kailangan munang magparehistro bago magtungo sa vaccination centers.
Facebook Comments