Pagbabakuna ng AstraZeneca sa edad 59 pababa, may go signal na mula sa DOH

Pinayagan na ng Department of Health (DOH) ang pagpapatuloy ng pagbabakuna ng AstraZeneca sa edad 59 pababa matapos pansamantalang suspindehin ng Food and Drug Administration (FDA).

Ayon ito kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, wala pang kaso na iniulat kaugnay sa pamumuo ng dugo o pagbaba ng platelet counts sa bansa.

Aniya, mas madami ang benepisyong makukuha kapag nagpaturok nito kumpara sa risk o panganib na maaring makuha kapag hindi nagpabakuna.


Matatandaang pansamantalang itinigil ang pagbabakuna ng AstraZeneca sa nasabing age group dahil sa mga ulat na blood clot sa mga nabakunahan sa Europe.

Una na ring sinabi ni FDA Director General Eric Domingo na wala pang nakitang adverse events na kahalintulad na kaso ngunit sa ibang bansa nakita naman na very rare ito na nangyari.

Facebook Comments