PAGBABAKUNA NG COVID-19 BIVALENT VACCINE SA ILOCOS REGION, NAGSIMULA NA; HIGIT 23K NA BAKUNA, NATANGGAP NG DOH-ILOCOS

Pormal nang nagsimula ang pagbibigay ng COVID-19 Bivalent Vaccine sa mga healthcare workers at Senior Citizens sa Ilocos Region ng Department of Health -Center for Health Development 1.
Ito ay matapos dumating sa DOH Ilocos Center for Health Development (CHD) compound ang nasa 23,460 doses ng COVID-19 Vaccine na Pfizer Bivalent para sa mga nabanggit na grupong kailangang mabakunahan gaya ng mga indibidwal na may edad 18 taong gulang pataas na kabilang sa mga priority group na A1 (healthcare worker) at A2 (senior citizen) nang hindi bababa sa apat (4) na buwan pagkatapos ng inoculation na may pangalawang booster dose.
Nagsimula ang implementasyong nito kung saan ginanap ang pilot roll-out sa piling 12 ospital kabilang ang lahat ng limang DOH Hospital sa Rehiyon I. to ay Ilocos Training and Regional Medical Center, Ilocos Sur Medical Center, Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center,Region I Medical Center at Conrado F. Estrella Regional Medical and Trauma Center.

Kasama sa mga LGU Hospital ang Ilocos Sur Provincial Hospital Gabriela Silang, Pangasinan Provincial Hospital, Lingayen District Hospital, Western Pangasinan District Hospital, Eastern Pangasinan District Hospital, Bayambang District Hospital at Urdaneta District Hospital.
Ang bakunang COVID-19 na Pfizer Bivalent ay binigyan ng Emergency Use Authorization (EUA) ng Philippine Food and Drug Administration (FDA) noong Marso 30, 2023 para sa aktibong pagbabakuna para sa ang pag-iwas sa COVID-19 na dulot ng SARS-CoV-2 sa mga indibidwal na 12 taong gulang at mas matanda na dati ay nakatanggap ng hindi bababa sa isang pangunahing kurso sa pagbabakuna laban sa COVID-19. |ifmnews
Facebook Comments