Pagbabakuna ng COVID-19 vaccine sa pwet, maaaring gawin – DOH

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na maaring magpabakuna sa pwet kung hindi sapat ang muscle sa kamay.

Kasunod ito ng anunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kaya gagawing pribado ang pagbabakuna kay Pangulong Rodrigo Duterte ay dahil sa pwet ito tuturukan.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, karamihan ng bakuna ay ibininigay intramuscular.


Ibig sabihin, ipapasok o isasaksak sa muscle ang bakuna at ito na ang bahalang magpakalat sa katawan ng gamot.

“When we say intramuscular, ang common practice po dito, existing vaccines dito sa atin, kapag ang isang tao po ay hindi puwede, halimbawa iyong kaniyang deltoid area eh masyado na siyang emaciated, payat na payat na, ibinibigay natin sa ibang parte ng katawan katulad po ng ibang parte na muscular po ang tawag. Puwede po doon sa anterolateral part of the thigh or puwede din po sa pwet, nabibigay din po iyan sa upper part of the butt.” ani Vergeire

Sinabi naman ni Inter-Agency Task Force (IATF) Technical Advisory Group Member Dr. Edsel Salvaña, dinevelop ang bakuna para ma-recognize at magkaroon ng maayos na immune response ang katawan.

Facebook Comments