Pagbabakuna ng lahat ng police personnel, target na maisagawa bago matapos ang taon

Nais ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar na bago matapos ang taong ito ay bakunado na kontra COVID-19 ang 221,000 PNP personnel.

Aniya, sa ngayon ay may kabuuang 131,326 o 57.97% ng PNP personnel ang fully vaccinated laban sa Coronavirus disease habang 80,809 o 36.32% ang naghihintay na lamang ng kanilang second dose ng vaccine.

Habang hanggang ngayong araw aniya, mayroon na lamang 10,506 o 4.72% PNP personnel ang hindi pa nababakunahan.


Kaugnay nito, may isa nang pulis na naman ang nasawi matapos magpositibo sa COVID-19, kaya umabot na sa 113 ang naitatalang nasawi dahil sa COVID-19 sa PNP.

Ayon kay Eleazar, ang panibagong nasawi ay 35-anyos na pulis na nakatalaga sa Central Luzon.

Batay naman sa ulat ng PNP Health Service, mayroon nang 37,916 total COVID cases sa PNP, sa bilang na ito ay 2,584 ang mga active cases habang umabot na sa kabuuang 35,219 ang mga gumaling matapos madagdag naman ang 224 new recoveries.

Facebook Comments