Walang rason upang ihinto ang pagbabakuna ng Moderna rito sa Pilipinas.
Mula sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Usec. Eric Domingo na hindi kasama ang mga bakuna ng Moderna na nai-deliver dito sa bansa sa mga bakunang pina-recall at iniimbestigahan sa Japan.
Ayon kay Usec. Domingo, ang mga Moderna vaccines na nai-deliver sa bansa kamakailan ay ligtas, epektibo at hindi kontaminado.
Matatandaang tatlong batch ng Moderna vaccines ang iniimbestigahan sa ngayon dahil sa posibleng kontaminasyon.
Ang mga bakunang ito kasi ay nagkaroon ng bakal na posibleng ang dahilan ay ang pagka-gasgas ng makina na nagresulta sa contamination.
Kasunod nito, patuloy ang panawagan ng FDA sa mga vaccinators na suriing maigi ang bawat bakuna o vial bago ito iturok sa ating mga kababayan.