Nasa 3,510 na mga residente ng Taguig na kabilang sa A2 at A3 priority list ang target mabigyan ng bakuna mula Pfizer sa loob ng 5 araw.
Kasunod ito ng pagdating ng 7,020 doses ng Pfizer sa Taguig.
Ayon kay Dr. Jennifer Lou Lorico-De Guzman, pinuno ng Taguig National Vaccination Program, target ng lungsod na mabakunahan ang nasa 702 na nakatatanda at mga may comorbidity ngayong araw.
Katumbas ito ng 20% ng mga makikinabang sa unang dumating na suplay ng bakuna ng Pfizer.
Samantala, nagkaroon din ng seremonya sa pagsisimula ng pagbabakuna na pinangunahan ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., Deputy Chief Implementer Vince Dizon, WHO Country Representative Dr. Rabindra Abeyasinghe at mga lokal na opisyal sa pangunguna ni Mayor Lino Cayetano.
Facebook Comments