Pagbabakuna ng Sinovac sa Taguig City, pansamantalang itinigil ngayong araw

Pansamantalang sinuspinde ng Taguig City ang pagtuturok ng first at second dose ng Sinovac simula ngayong araw, June 28, 2021.

Ito ay dahil naghihintay pa ang Taguig Local Government Unit (LGU) ng otorisasyon mula sa Department of Health (DOH) para gamitin nila ang Sinovac vaccines na nasa kanilang cold chain facility.

Tiniyak naman ng city government na ipa-prayoridad nila ang mga naka-schedule ngayong araw, oras na bigyan na sila ng basbas ng DOH.


Nagbigay naman ang Taguig LGU ng hotlines para sa may mga katanungan na nakalista para sa vaccination ngayong araw:

Globe / TM – 0935 226 7300
Smart / Talk N’ Text – 0961 704 4293

Facebook Comments