Pagbabakuna sa A4 priority group, sinimulan na rin sa Caloocan City

Umarangkada na rin sa lungsod ng Caloocan ang pagbabakuna sa mga kabilang sa A4 priority group o economic frontliners.

Ayon sa Inter-Agency Task Force (IATF), ang mga kabilang sa A4 priority group ay ang mga manggagawa sa pribadong sektor na kinakailangang pisikal na pumasok sa kanilang pinagtatrabahuhan.

Tinatayang aabot sa mahigit 20 vaccination site ng lungsod ang maaaring nang tumanggap ng mga kabilang sa A4.


Kaugnay nito ay hinihimok na ang kabilang sa nasabing priority group na magparehistro na online o makipag-ugnayan sa kanilang barangay upang mabakunahan at maging protektado laban sa COVID-19.

Facebook Comments