PAGBABAKUNA SA A5 CATEGORY SA ILOCOS REGION, SINIMULAN NA

Umarangkada na ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga indigent o ang mga nasa A5 category sa Ilocos Region.

Ayon kay John Paul Aquino ang DOH-CHD1 Regional Immunization Coordinator, pumalo na sa 995 ang nabigyan ng first dose ng bakuna at 294 na dito ang fully vaccinated.

Sinabi ni Aquino base sa NVOC Advisory 84, lahat ng LGUs ay maaari ng magsimula sa pagbabakuna sa nasabing category hanggat mayroong suplay ng bakuna ang mga ito.


Ilan lamang sa mga nagsimula ng magbakuna ay ang probinsiya ng Ilocos Norte at bayan ng San Nicolas dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Dagdag ni Aquino, marahil ang pagsisimula ng pagbabakuna ng mga nasabing LGU sa naturang category ay dahil sa biniling bakuna ng mga ito.

Samantala, inaasahan naman na mas maraming bakuna ang darating sa rehiyon ngayong buwan upang mabigyan ng proteksyon ang target population kontra COVID-19.

Facebook Comments