Uumpisahan agad sa Enero ng susunod na taon ang pagbabakuna sa mga bata o edad 5 hanggang 11.
Ito ay matapos gawaran ng Food & Drug Administration (FDA) ng Emergency Use Authorization (EUA) ang Pfizer vaccine.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni FDA Director General at Health Usec. Eric Domingo na kapag naka-secure na ang pamahalaan ng Pfizer vaccines na para sa nasabing age group ay agad na i-rollout out ang pagbabakuna sa mga ito.
Paliwanag pa ni Dr. Domingo, magkaiba ang dosage na gagamitin para sa mga edad 5 hanggang 11 kumpara sa dosage ng 12 hanggang 17 at 18 taong gulang pataas.
Mas mababa rin aniya ang concentration ng bakuna para sa mas batang age group kaysa sa adult.
Aniya, napatunayang ligtas at epektibo ang paggamit ng bakuna lalo na ngayong may banta ng Omicron variant.
Nasa 90% din ani Domingo ang efficacy rate nito at wala namang naitalang major adverse event.