Kasado na ngayong Oktubre ang pagbabakuna sa general public laban sa COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, nasa higit 100 milyong doses na ng COVID-19 vaccines ang inaasahan ng pamahalaan na darating sa bansa.
Sa usapin naman kung hanggang kailan masu-sustain ang bakunahan sa adult population, sinabi ni Roque na nakadepende pa ito sa supply na darating sa bansa sa mga susunod na buwan.
Samantala, sinabi ng kalihim na tinitiyak na rin ng gobyerno ang pagiging available ng Pfizer at Moderna COVID-19 vaccine lalo at ito pa lamang ang mga bakunang naaprubahan para sa mga kabataang nasa edad 12 hanggang 17.
Facebook Comments