Pagbabakuna sa health workers, dapat may deadline

Iginiit ni Senator Risa Hontiveros sa National Task Force against COVID-19 (NTF) na magtakda ng seryosong timeframe o deadline para sa pagbabakuna ng healthcare workers.

Mungkahi ito ni Hontiveros sa harap ng report na 12.7% pa lang ng 1.7 million health workers sa bansa ang natuturukan ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay Hontiveros, kung hindi ito magbabago ay aabutin ng apat na buwan bago mabakunahan ang mga healthcare workers na hindi rin nakatanggap ng allowance sa itinakdang panahon.


Dismayado si Hontiveros na tila hindi minamadali ng pamahalaan ang pagbabakuna kahit patuloy ang paglobo ng kaso ng COVID 19 sa bansa.

Bukod dito ay hiniling din si Hontiveros ang pagkakaroon ng COVID vaccine tracker kung saan makikita ang mga bakunang nakarating at naipamahagi at iba pang updates sa vaccine rollout.

Facebook Comments