Pagbabakuna sa healthcare workers sa lungsod ng Pasay, inaasahang matatapos na ngayong araw

Target ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Pasay na tapusin na ang pagbabakuna sa kanilang mga healthcare workers.

Sa isang pahayag ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, nasa 97% o nasa 4,239 na healthcare workers na ang nabakunahan ng Sinovac at AstraZeneca mula nang simulan ang vaccination program sa lungsod.

Inaasahan na ngayong araw ay mababakunahan ang nasa higit 130 na medical frontliners na nasa listahan ng Pasay City LGU.


Sinabi pa ng alkalde na kung matapos ang pagbabakuna sa mga health care workers ay agad na nilang isusunod ang senior citizens.

Ito’y sakaling may dumating ng bakuna sa lungsod mula sa national government.

Ang mga bakuna naman na binili ng lokal na pamahalaan ng lungsod na 275,000 na AstraZeneca vaccines ay inasahaang darating sa buwan ng Abril.

Facebook Comments