PAGBABAKUNA SA KADA BARANGAY SA SAN NICOLAS, AARANGKADA NGAYONG ARAW

20

SAN NICOLAS, PANGASINAN – Aarangkada ngayong araw ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga barangay sa bayan ng San Nicolas.

Layon ng pagbabakuna sa kada barangay na makamit ang herd immunity bago pa man ang pagdiriwang ng kapaskuhan.

Unang pupuntahan ng vaccination team ang Barangay San Roque mula 1:00 ng hapon hanggang 4:00 ng hapon.


Malaking tulong umano ang pagpunta ng vaccination team sa kada barangay upang hindi na mahirapan ang mga residente na pumila sa vaccination center ng bayan.

Sa kasalukuyan nasa 55% ng residente ng bayan ang fully vaccinated.###

Facebook Comments