Hinimok ngayon ni Gov. Ramon Guico III ang mga health worker sa Pangasinan na magsagawa ng pagbabakuna sa malalayong lugar ng lalawigan upang matiyak na ang bawat bata na may edad 0 hanggang 59 na buwan ay mabakunahan laban sa tigdas, Rubella, at polio.
Aniya pa, dapat din umano paigtingin ang information dissemination campaign para maturuan ang mga magulang dahil sila ang magdedesisyon kung dapat na pabakunahan ang kanilang mga anak o hindi.
Kahapon, ika- 3 ng Mayo, pinangunahan ni Guico ang paglulunsad ng programang supplementation ng bakuna sa Pangasinan Training and Development Center 2 sa pamamagitan ng pagbibigay ng oral poliovirus vaccine sa kanyang apat na taong gulang na anak kasabay nito ang nasa 200 bata na naka-enroll sa Child Care and Development Center ng Provincial Social Welfare and Development Office at mga anak ng mga empleyado ng kapitolyo ng probinsya.
Ayon naman kay Dr. Anna Ma. Teresa de Guzman, provincial health officer, ang target ngayong taon ng measles at Rubella vaccination campaign ay nasa 262,944 na mga bata na may edad 9 hanggang 59 na buwan, habang nasa 307,548 na mga bata na may edad 0 hanggang 59 na buwan ang target na mabigyan ng oral poliovirus vaccine.
Hindi umano bababa sa 95 porsyento ng mga eligible na bata ang dapat mabakunahan sa pagtatapos ng isang buwang kampanya, ayon kay De Guzman.
Sinabi naman ni Dr. Valerie Tesoro, direktor ng Health Laboratories Office ng Department of Health (DOH) na noong 2022, naitala ang 225 na kaso ng tigdas sa bansa, at idinagdag na hindi bababa sa 15 sa mga ito ang naitala sa Pangasinan.
Ngayong taon, wala pang kumpirmadong kaso ang naiulat sa lalawigan.
Ngayon pa lang ay nagpapasalamat na ang Gobernador Guico sa DOH at sa lahat ng mga katuwang nito sa programa ng pagbabakuna.
Ayon pa kay Guico, target umano ang zero cases sa lalawigan ng Pangasinan at hinimok nito ang mga Pangasinense na magtulungan upang makamit ito.

Facebook Comments