Pagbabakuna sa lungsod ng Maynila, magpapatuloy kahit holiday

Umaasa ang lokal na pamahalaan ng Maynila na mas maraming residente ng lungsod ang magtutungo ngayon sa mga vaccination site sa pagpapatuloy pa rin ng kanilang COVID-19 mass vaccination program.

Nabatid na magsasagawa ng first dose vaccination ang Manila LGU sa 18 sites ngunit ipinagbabawal ang walk-in habang ikakasa rin ito sa apat na mall na pinayayagan ang walk-in basta’t nauna na silang nagparehistro.

Nasa 33,000 ng bakuna kontra COVID-19 ang inilaan kung saan pawang mga nasa A1 hanggang A5 priority group ang tatanggap nito.


Isasagawa rin ang pagbabakuna para sa second dose gamit ang bakunang Pfizer sa mga kabilang sa A1 hanggang A5 priority groups na una nang sumailalim sa drive-thru vaccination sa Manila Grandstand noong Agosto 9, 2021.

Para sa mga indibidwal na tatanggap ng kanilang second dose, paalala ng lokal na pamahalaan na hintayin ang text message mula sa Manila COVAX hinggil sa kani-kanilang iskedyul at lugar ng bakunahan.

Nagsisimula ang pagbabakuna alas-7:00 ng umaga hanggang alas-7:00 ng gabi.

Facebook Comments