Pagbabakuna sa magkaibang lugar ng 1st at 2nd dose, pinapahintulutan naman ayon sa Palasyo

Nanawagan ang MalacaƱang sa mga taga National Capital Region (NCR) na naturukan na ng 1st dose at may schedule na ng 2nd dose pero naipit sa probinsiya ngayon na sikaping makipag-ugnayan sa mga Local Government Unit (LGU) kung saan sila kasalukuyang naroroon.

Payo ni Presidential Spokesperson Harry Roque, mas maganda kung bitbit ng mga ito ang kanilang vaccination certificate para maipakitang may naitakda ng araw para sa kanilang 2nd dose.

Pagtiyak ni Roque, hindi naman magkakait ang kinauukulang LGU lalo na’t mayroon namang suplay ang mga ito.


Ang kailangan lang aniya ay makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan at mula roon ay maiayos na ang schedule ng kanilang 2nd dose.

Matatandaang ipinagbawal ng pamahalaan na may makapasok sa NCR sa loob ng dalawang linggong pagpapatupad ng lockdown bilang bahagi ng ipinatutupad na strict border control.

Facebook Comments