Pagbabakuna sa medical frontliners ng San Lazaro Hospital, sinimulan na rin

Nagsimula na ring magpaturok ang medical frontliners ng San Lazaro Hospital dito sa Maynila.

Kabilang sa mga unang naturukan ng CoronaVac ang Head ng Adult Infectious Diseases and Tropical Unit na si Dr. Rontgene Solante.

Nagpaturok na rin ang Spokesperson ng San Lazaro na si Dr. Ferdinand de Guzman.


Sa tala ng San Lazaro Hospital, umabot sa 160 na empleyado nito ang nagka-COVID noong nakalipas na taon.

Ayon kay Dr. De Guzman, may mga COVID patients pa rin silang inaalagaan ngayon pero malaki na aniya ang naging improvement dahil malaki na rin ang ibinaba ng COVID cases sa San Lazaro Hospital.

Bago ang aktwal na pagtuturok ng bakuna, binasbasan muna ni Fr. Hector Canon, Chaplain ng ospital ang mga bakuna sa storage facility ng San Lazaro.

Ayon kay Dr. Solante, bagama’t masakit ang turok ng karayom, wala naman aniya siyang naramdamang kakaiba matapos ang vaccination.

Ayon naman kay Dr. De Guzman, lumagpas sa inaasahan nilang dami ng mga magpapabakuna ang nagpalista na dapat ay 150 lamang.

Umabot na kasi sa 178 ang nakalista ngayon mula sa 600 frontliners ng ospital at patuloy pang nadadagdagan.

Facebook Comments