Pagbabakuna sa medical frontliners sa Maynila, ipinagpatuloy ngayong araw

Pagbabakuna sa medical frontliners sa Maynila, ipinagpatuloy ngayong araw.

Muling ipinagpatuloy ngayong araw ang pagpapabakuna kontra COVID-19 para sa mga priority sector sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay Manila City Health Officer Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan, target ng pamahalaang lungsod na makapagbakuna ng 2,152 na indibidwal.


2,000 sa kanila ay mababakunahan ng AstraZeneca vaccine sa ospital ng Maynila Medical Center habang 152 naman ang makatatanggap ng Sinovac vaccine sa Sta. Ana Hospital.

Kasunod ito ng pagdating kahapon ng karagdagang 3,930 doses ng AstraZeneca at 308 doses ng Sinovac vaccine mula sa national government.

Bukod sa medical frontliners, mababakunahan na rin sa Maynila ang ilang tauhan ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), contact tracers, social workers, mga miyembro ng Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTS) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) personnel.

Facebook Comments