Pagbabakuna sa mga A5 category sa lungsod ng Maynila, sinimulan na

Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pagbabakuna sa A5 priority group.

Alas-6:00 ng umaga nang simulan ang nasabing pagbabakuna sa 8 vaccination sites mula District 1 hanggang District 6.

Nasa 1,000 ang inilaan na doses sa kada vaccination site maliban sa Port Area na mayroon lang 700 doses.


Isinasagawa rin ngayong araw ang first dose vaccination para sa A2 at A4 priority group sa apat na mall site na ginawang vaccination site tulad Lucky Chinatown Mall, Robinsons Place Manila, SM Manila, at SM San Lazaro kung saan ay tig-2,500 doses ang inilaan sa bawat mall.

Ikinakasa na din ng second dose vaccination ng Sinovac vaccine para sa mga kabilang sa A1, A2, at A3 priority group sa anim na school site mula District 1 hanggang District 6.

Babakunahan ang mga indibidwal na una nang nakatanggap ng kanilang COVID-19 vaccine noong May 19, 2021.

Hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang lahat na magtungo sa vaccination sites sa mas maluwag ang oras upang makaiwas sa siksikan.

Facebook Comments