Pagbabakuna sa mga baboy kontra ASF sa Lobo, Batangas, tuloy na bukas ayon sa Department of Agriculture

Nakahanda ang Department of Agriculture (DA) para sa isasagawang pagbabakuna sa mga baboy kontra African Swine Fever (ASF) sa Lobo, Batangas bukas.

Sinabi ni Agriculture Assistant Secretary at Spokesperson Arnel De Mesa na ang mga baboy na isinailalim sa testing ay pawang negatibo sa ASF at malulusog kaya tuloy na ang pag-arangkada ng bakunahan.

Isasagawa ang bakunahan bukas sa Lobo ng alas-9:00 ng umaga .


Bagama’t hindi pa tukoy ng DA kung ilang mga baboy na kailangan isasailalim sa pagbabakuna.

Sinabi pa ni Asec. De Mesa na mismong ang mga municipal veterinarian ang magtutungo sa mga farm at mismong magsasagawa ng pagtuturok sa mga baboy.

Kinakailangan din na maging strategic ang pagbabakuna dahil sensitibo sa temperatura ang mga bakuna kontra ASF.

Facebook Comments